LOVE
OUT LOUD WINNING ENTRY:
THIRD DOMINGO
MENOS ONSE
PARA ALAS DOSE
May
mga ganitong sandaling—
Ano’ng
oras na ba? Sandali…
Menos
diyes para alas singko y media—
Na
tila ang gabi’y antok na antok
At
ako nama’y gising na gising,
Pero
alam mong dapat ay humihilik ka na sa mga oras na iyon.
“Manyaman
matudtod!” Sabi ng gabi.
Tang
inumin mo! Sabi ko. Kailangan ko nang matulog.
Eight
o’clock pa ang pasok ko.
May
mga ganitong sandaling:
Hindi
ko mawari kung anu’t bakit dinig mo
Ang
kahit na pinakamahinhing
Pagbibidahan
ng mga multo.
Na
para bang ramdam mong may iba kang katabi sa kama,
(sa
likod mo)
na
di rin naman abot maisip na yaon siya,
sapagkat
nga nagkatampuhan kayo kanina.
(Isa
pa’y alam mong buhay pa siya, at di taga-Capiz ang lola.)
May
mga ganitong sandaling—
Naranasan
mo na ba ‘yon? Iyung—
Punung-puno
ng talinghaga ang paligid;
Para
bang lahat ng bagay ay nasa puwang o pagitan
Ng
lahat ng damdamin at katangian,
Ng
lungkot at saya, iyak at tawa;
Ng
hula o tantiya at isip o hinuha;
Ng
ngayon na ba at bukas pa;
Ng
tanong na at hintay muna;
Ng
kapit sa kamay at kamay sa kapit niya;
Ng
halik at pitik, yakap at tulak;
Ng
sama saan man at bahala ka diyan;
Ng
alaala at limot, paninap at bangungot;
Ng
pagpapaubaya at paghihinayang
Ng
matinding sigaw at torpeng tungo
Ng
pagkamakata at pagkamatino.
May
mga ganitong sandaling—
Hindi
ka inaantok bagaman nagmamakaawa na’ng iyong katawan,
Mahirap
ngunit masarap sulatan ang sinisintang hirang
Kahit
sa sarili’y
alam mong
Naghihimagsik ang katwiran.
Kung
bakit kasi kanina’y di nagkasunduan.
|